|
Gunitain ang Ika –20 taon ng Mendiola Masaker ng 1987: Ibaling ang pagdadalamhati sa Rebol
by Pesante-USA
Saturday, Jan. 20, 2007 at 11:18 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
Sa Ika-22 ng Enero, 2007, gugunitain ng komunidad ng Pilipino sa Amerika ng Los Angeles, California sa ilalim ng Pesante-USA at ng Ecumenical Fellowship for Justice and Peace (EFJP) ang ika-20 taon ng masaker sa Mendiola noong Enero 22, 1987.
Noong 1987, matapos magdeklara ng 60 araw na tigil-putukan ang NDFP at ang gobyerno noon ni Corazon Aquino, mabilis na pinutol ng AFP ang tigil putukan at usapang pangkapayapapaan ng NDFP at GRP sa pagsupil sa militanteng rali ng mga magsasaka sa daan patungo sa palasyo ng Malacanang kung saan napatay ang 13 magsasaka at nasugatan ang may 150 iba pa.
Pahayag
Gunitain ang Ika –20 taon ng Mendiola Masaker ng 1987: Ibaling ang pagdadalamhati sa Rebolusyonaryong Katapangan.
“ Ang magbuhos ng dugo para sa bayan, ay kagitingang hindi malilimutan ang katawang inialay sa lupang mahal, Mayaman sa aral at kadakilaan “
Sa Ika-22 ng Enero, 2007, gugunitain ng komunidad ng Pilipino sa Amerika ng Los Angeles, California sa ilalim ng Pesante-USA at ng Ecumenical Fellowship for Justice and Peace (EFJP) ang ika-20 taon ng masaker sa Mendiola noong Enero 22, 1987.
Noong 1987, matapos magdeklara ng 60 araw na tigil-putukan ang NDFP at ang gobyerno noon ni Corazon Aquino, mabilis na pinutol ng AFP ang tigil putukan at usapang pangkapayapapaan ng NDFP at GRP sa pagsupil sa militanteng rali ng mga magsasaka sa daan patungo sa palasyo ng Malacanang kung saan napatay ang 13 magsasaka at nasugatan ang may 150 iba pa.
Ang Masaker laban sa Usapang Pangkapayaan, 1987
Ang tunay na pakay ng mga magmamasaker ay ang negotiating panel ng NDFP na nakabase sa National Press Club. Nang mabigo silang abutan ang panel na kabigyan ng abiso ng mga kaibigan sa loob ng AFO, ibinaling ng mga mamamatay tao ang kanilang galit sa mga nagdedemonstrayong magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Nanggaling ang mga ito sa camp-put sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City at nagmartsa patungo sa Malacanang.
Ito ang ikalawang pagkakataon na naganap na masaker sa Mendiola. Ang unang masaker ay naganap noong Enero 30-3, 1970 nang supilin ng mga sundalo ni Marcos ang mga nagraraling estudyante at kabataan laban sa naunang panunupil sa rali para sa isang walang kinikilingang kombesyong konstitusyunal ng 1971.
Sinadya ang masaker para pigilin ang usapang pangkapayapaan at bigyang dahilan ang ubos lakas na pag-atake ng rehimen US-Aquino laban sa rebolusyonaryong kilusan. Mabilis na iwinasiwas ng AFP ang “ espada ng todo-gyera” at umatake sa mga baseng gerilya ng NPA at ng MILF/MNLF sa Mindanao sa ilalim ng OPLAN LAMBAT-BITAG.
Oplan Bantay-Laya 2, Pakana laban sa Kapayapaan at Anti-Mamamayan.
Mahalagang isaisip ang kahalagahan ng paggunita ay nasa loob ng kalagayang walang tigil ang pamamasista ng Rehimeng US-Arroyo at inilulunsad nito ang OPLAN BANTAY-LAYA II laban sa masang Pilipino. Ito ay sa pagpapatuta ng Rehimeng US-Arroyo sa imperyalistang Amerikano sa Todo Gyera nito laban sa “terorismo.”
Mahalaga ring ipunto na nasuspinde ang usapang pangkapayapaan dahil sa pagmamatigas ng Rehimeng-US-Arroyo nang itigil nito ang usapan mula noong 2002 dahil sa pagpaparusa ng NPA sa isang bantog na mamatay-taong si Major Rodolfo Aguinaldo ng Cagayan.
Lalo pang pinalubha ito ng pagdedeklara ng US sa CPP at NPA bilang mga teroristang organizasyon at sa pangigigipit sa mga progresibong lider Pilipino na kaugnay sa usapang pangkapayapaan.
Sa pinakahuling aksyon, inilagay pa ng gobyerno sa listahan para usigin at arestuhin ang may 50 kataong kaugnay sa usapang pangkapayapaan. Ang pinakagarapal ay ang pagpatay sa isang peace consultant si Sotero Llamas ng Bicol noong 2006.
Rebolusyonaryong Paggunita
Mula noong 1992, sinimulan ng Pesante ang paggunita sa masaker sa Mendiola sa pamamagitan ng mga aksyong protesta sa konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles o kundi man sa ibang paraan tulad ng mga fora, talakayan at pagtatanghal pangkultura. Nagpatuloy ito at minsan lamang naputol ang paggunita dahil sa pagpapatalsik kay Erap Estrada noong 2001.
Sa taong, ito ang paggunita na may pormang kultural ay mahalaga dahil kasamang gugunitain hindi lamang ang mga bayani ng Mendiola kundi ang mga martir sa pakikibaka na pinsalang ng pasistang rehimeng US-Arroyo na umabot sa mahigit 800 katao. Ito ang bunga ng kampanya ng panunupil ng OPLAN BANTAY LAYA I nina Arroyo at ng Imperyalismong US mula 2001-2006 sa buong Pilipinas.
Ang karamihan sa 800 biktima ng mga pampulitikang pagpatay ay ang mga magsasaka na kabilang sa KMP at iba pang mga progresibong organisasyon tulad ng ANAKPAWIS, BAYAN MUNA, Gabriela, KMU, ANAKBAYAN, KMP, mga nasa oposisyon, mga mamamhayag, o sinumang pinaghihinalaang kalaban ng gobyerno.
Ang programang cultural ay gagawin sa Remy’s on Temple, Art Gallery sa Enero 22. 2007 sa ika –7;00 ng gabi sa Historic Filipintown, Los Angeles, CA 90026.
Ang programa at tinatangkilik ng Alliance for a Just and Lasting Peace in the Philippines (AJLPP) at ng International ANSWER Coalition.
**************
|