imc-qc qc indymedia
Home About Us Contact Us Links Calendar Publish

local collectives
The City
The Nation
The World

Themes
brown theme (default)black themered themetheme help



printable version - email this article

Pagtibayin Ang Tradisyong Maka-Mag-aaral Ng Gazette
by Dennis Espada Sunday, Jan. 14, 2007 at 4:00 PM
Quezon City

Ang Gazette ay hindi bulletin board o photo album para sa sariling kapritso. Hindi ito pangingiliti sa mambabasa ng mga pinausong mukha, porma, gamit o trip. Hindi ito nasa ilalim ng konseho ng mag-aaral. At lalong hindi ito kasangkapan ng admi para sa magaganda nitong publisidad.

Ipinagmamalaki ko na maging alumnus ng Gazette. Di maitatangging malaki ang naiambag ng organisasyong ito para marating ang kinalalagyan ko ngayon.

Higit kailan man, napapanahong talakayin ang mga karanasan, tungkulin at panawagan.

Buhay-Gazette

Kung tutuusin, mahirap nguni't kasiya-siya ang buhay ng isang mamamahayag pangkampus. Nagsisimula ang trabaho sa pagpaplano at brainstorming na susundan ng pananaliksik at pangangalap ng datos, paghahabol sa mga source para mainterbyu, pagsusulat ng artikulo, "pagkatay" ng editor, pagrerebisa, presswork (lay-outing at proofreading), press run, delivery at circulation.

Nguni't di dito natatapos ang tungkulin. Higit sa lahat, tungkulin niyang isulong ang interes ng kanyang pabliser, ng kanyang mambabasa.

Mula sa pagiging payak na bulitin noong unang hati ng dekada '80, tungo sa kampanya para sa "independyente at propesyunalisasyon ng publikasyong pangkampus" noong 1988, hanggang sa prinsipyo ng "eksklusibong pag-aari ng mag-aaral" noong 1995 at "pagtataguyod sa malayang pamamahayag" noong 1997, sadyang hitik sa aral ang kasaysayan ng Gazette.

Napakahalaga ng publikasyon ng mag-aaral dahil dito naisasakongkreto ang malayang pamamahayag sa kampus, bagay na tinitiyak ng Saligang Batas.

Di ba dito natakot ang administrasyon (admi) kaya ito nanghimasok para palitan ang Gazette editorial board noong Setyembre 12, 1997? Nais kasi nilang manahimik ang Gazette sa pahirap na tuition fee increase at komersyalisasyon ng edukasyon. Nais nila ng isang Gazette na magbubulag-bulagan sa paglabag ng mga karapatang pantao. Nais nila ng isang Gazette na magkakalat ng paninira laban sa mga puwersang maka-mag-aaral.

Pero bigo ang pagtatangka nilang buwagin ang tradisyong ito. Ang munting ningas na sinindihan ng mulat na mag-aaral ay naging isang apoy.

Ang Gazette ay hindi bulletin board o photo album para sa sariling kapritso. Hindi ito pangingiliti sa mambabasa ng mga pinausong mukha, porma, gamit o trip. Hindi ito nasa ilalim ng konseho ng mag-aaral. At lalong hindi ito kasangkapan ng admi para sa magaganda nitong publisidad.

Nais kong linawin na ang Gazette ay hindi anti-admi. Ang papel nito'y maging daluyan ng pananaw at hinaing ng mag-aaral.

Di ba mag-aaral ang kliyente ng admi? Di ba binibili nila ang serbisyo ng unibersidad? Dapat serbisyo sa mag-aaral ang inuuna ng admi; di ang gawin silang tanga o papet.

Limang Punto

Dahil nasagot na ang tanong na "para kanino magsisilbi?", posibleng magkaisa ang lahat sa tungkuling maglalaman ng sumusunod na punto:

Una, paglingkuran ang mga mag-aaral ng unibersidad. Sa paglalathala ng Gazette, dapat na isinasaalang-alang ang interes at kapakanan ng mag-aaral. Kailangan nang itakwil ang ilusyon ng pananatiling nyutral ng publikasyon.

Ikalawa, bilang publikasyong may alternatibong tipo, dapat gamitin ang pagkakataon upang matamo ang dakilang layuning paglingkuran ang mga manggagawa, magsasaka, maralita at iba pang mga walang tinig na sektor.

Ikatlo, dapat itong magsilbing instrumento sa pagmumulat ng kapwa mag-aaral sa tunay na kalagayan ng unibersidad at bansa. Kailangang maikintal sa kanila ang mga progresibong kaisipan upang maging epektibo silang puwersa sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago.

Ikaapat, kailangang itaguyod ang etika ng pamamahayag (ethics of journalism). Kabilang dito ang fairness, balance at paninindigan sa mga isyu. Moral na obligasyon ng mamamahayag na isiwalat ang kanyang pananaw sa mga usapin mula sa panig ng mag-aaral.

Panghuli, tungkulin ng mamamahayag pangkampus na bakahin ang anumang hakbangin o kaisipang sasalungat sa mga tungkuling ito. Dapat labanan ang mga pagtatangka na busalan ang publikasyon.

Komitment At Dedikasyon

Komitment at dedikasyon ang hinihingi ng kasalukuyang panahon.

Talino, oras, pawis at luha ang sinakripisyo ng mga naunang editor at staff. Sa pagbabalik-tanaw sa mahigit 20 taon, walang mas makabuluhang parangal sa kanila kundi ituloy ang simulain.

Sa aklat na "Martial Law Diary"(2003), sinabi ni retired Philippine Navy Captain Danilo Vizmanos: "Frankly speaking, to say that children are receiving an education today under present totalitarian atmosphere is an insult to the intellect. Why? Because a fundamental requirement of education is academic freedom and this definitely we do not have today...What then are Filipino children receiving? Training perhaps but certainly not education. And this kind of training is exactly what domesticated animals get!"

Mas masahol kaysa nakaraan ang pagsasamantala't panunupil ng mga negosyanteng nagpapanggap na edukador. Uupo na lang ba kayo at hahayaan itong mangyari? Kung nagawang tumindig nang walang takot ng mga naunang kabataan, kaya niyo rin. Itaguyod niyo ang kanilang pamana. Gamiting gabay ang aral at karanasan para maging mas masigasig sa pagkilos.

add your comments


IMC Network: www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq nigeria south africa canada: hamilton maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan manila qc europe: alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol bulgaria croatia cyprus estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege lille madrid malta marseille nantes netherlands nice norway oost-vlaanderen paris/Īle-de-france poland portugal romania russia scotland sverige switzerland thessaloniki toulouse ukraine united kingdom valencia west vlaanderen latin america: argentina bolivia brasil chiapas chile chile sur colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado danbury, ct dc hawaii houston hudson mohawk idaho ithaca kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma omaha philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca seattle tallahassee-red hills tampa bay tennessee urbana-champaign utah vermont virginia beach western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine ukraine process: discussion fbi/legal updates indymedia faq mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

© 2000-2004 QC Independent Media Centre. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the QC Independent Media Centre. Running sf-active v0.9 Disclaimer | Privacy