|
Justice for Bishop Ramento!
by Tan-aw Multimedia Collective
Thursday, Oct. 05, 2006 at 3:52 PM
tanawmedia@yahoo.com.ph 074 442 4175 2/F Rulite Bldg, EDNCP Compound Magsaysay Avenue Baguio City 2600
The Tan-aw Multimedia Collective expresses its grief and rage over the death of the Most Reverend Bishop Ramento. His sermon on the life and martyrdom of IFI priest Fr. William Tadena was a part of their video documentary "Santuaryo" (Sanctuary)
JUSTICE for BISHOP RAMENTO!
We received the message of the Most Reverend Bishop Alberto Ramento’s brutal death in the Parish of San Sebastian, Tarlac City last Tuesday morning.
With the rest of the nation, we strongly condemn and deeply mourn his passing and remember what he has done for the people.
In our recent video production with the Aglipayan Central Theological School (ACTS) Media entitled “Santuaryo” (Sanctuary), he spoke about the life and martyrdom of Fr. William Tadena who was gunned down by motorcycle-riding men after he said mass in Tarlac last March 13, 2005. He strongly condemned the killings that have been happening in the country. He challenged the people to continuing working for justice.
Like Fr. Tadena, Bishop Ramento was outspoken against the ills in society. He lived a life of faith and was an active witness for truth and justice. He was unwavering in his advocacies for the poor, oppressed and exploited. He was at the forefront of the struggle for the respect of human rights and was a staunch peace advocate. He was also a straightforward critic of the Gloria Macapagal-Arroyo regime and its anti-people policies.
It is difficult to believe that his death was a simple criminal case as being stated by the Philippine National Police (PNP). We believe the statements issued by the Iglesia Filipina Independiente and Bayan Muna - that the beloved Bishop was murdered not because of robbery but because of political motives. Those who ordered his killing meant to silence him. We join his family, friends and church in grief and rage. We join them in calling for justice for Bishop Ramento and all the victims of state terrorism.
Audrey Beltran Program Coordinator Tan-aw Multimedia Collective
The following is a transcription of the excerpt of Bishop Ramento's sermon during Fr. William Tadena’s memorial service in Santuaryo:
“ Isang bala ang nilagay sa kanyang utak. Isang putok sa kanyang leeg.
Sinira ang utak upang ang diwa ay mawala sa kanya.
Pinatagos ang punglo sa kanyang puso upang sa gayon mapukaw, mamatay ang damdamin na doon ay nakatago.
Pinatagos ang punglo sa kanyang leeg upang sa gayon masira na ang kanyang boses.
Sinira ang pagpapahayag, ang diwa at damdamin ng isang pari na walang kasalanan kundi magmahal sa kanyang kapwa.
Ano ba ang damdamin na ito na ipinapahayag ng ating kapatid, ng ating pari, ng ating pastol na si William? Ito ay ang diwa ng Iglesia Filipina Independiente. Ito ang diwa ng mga Aglipayano na minana natin mula sa ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay, nagbuwis ng dugo upang sa gayon ay malayang maipahayag ang diwa, damdamin ng tunay na pagkaKristiyano.
Ang sinoman na hindi maglingkod sa kanyang kapatid, lalo na sa mga aba, ang sinoman na hindi tumangkilik sa mga api, sa mga pinabayaan, sa mga nagugutom, sa mga uhaw, sa mga political prisoners ay hindi tunay na Kristiyano. Ang simbahang sumasamba sa Diyos na hindi naglilingkod sa bayan ay hindi tunay na sumasamba sapagkat ang buhay ng tao, ang kanyang damdamin, ang kanyang kilos, bawat minuto ng kanyang buhay ay siya niyang tunay na pagsamba - ang magsabi, ang sumigaw sa mga lansangan, na gamitin ang pulpitong ito para sabihin na itigil ninyo ang inyong mga kasamaan. Maaari ba nating ipahayag – ikaw, ikaw, ikaw, ikaw, itigil mo na ang kademonyohan mo! Maaari mo bang sabihing itigil mo na iyan habang nakaumang sa iyo ang .45? Kaya mo? Kaya ninyo? Kaya ba ninyong ipahayag ang ebanghelyo ng Panginoon habang ikaw ay nagdadrive o kung ikaw ay nasa sasakyan mo, may sumusunod sa iyong nakahelmet na may dalang .45? Pagdating mo sa iyong outstation, kaya mo pa bang sabihing, ”Itigil na ang mga hindi makatarungang gawain!”. Kaya mo? Kaya ninyo?
Nakaya ni Fr. Tadena.
Akala ninyo simple lang ang kanyang kamatayan. Ito si Fr. Tadena ang gumising sa daigdig ng mga natutulog.
Sana’y ganyan din tayo. Sana’y magpatuloy tayong maging mga Kristiyano, pero lalo na ipagpatuloy na tayo ay mga Aglipayano.
Katulad ng aking sinabi at sasabihin pa. Takot ako. Takot tayo. Pero nasa ating dugo ang paglilingkod...”
|