imc-qc qc indymedia
Home About Us Contact Us Links Calendar Publish

local collectives
The City
The Nation
The World

Themes
brown theme (default)black themered themetheme help



printable version - email this article

PAGPUPUGAY KAY KASAMANG JENG
by Judy M. Taguiwalo Wednesday, Sep. 08, 2004 at 2:43 AM

Kasamang Jeng, Kasamang Lourdes Espiritu-Crisostomo, tunay kang bayani ng uring manggagawa at ng sambayanang Pilipino.

Si Kasamang Jeng, minamahal ni Bing, ni Vencer, ni Bitoy, ni Cynthia, ni Mandy, ni Jojo at Abel, ay unang alay sa sambayanan ng bagong siglang kilusang guro sa panahon ng Ikalawang Dakilang Pagwawasto.

Kagabi, sa parangal ng GABRIELA, narinig natin ang kagilagilalas na pakikipagsapalaran ni Jeng bilang organisador ng GABRIELA at GWP. Anong unang dinala sa GAB office, exerciser! Nagtitinda ng kung anu-ano para madagdagan ang kapos na allowance kabilang na ang pagtitinda ng sanitary napkins kahit sa mga nag menopause na. Ang walang pagod na organisador sa Tondo na kapag sinabihang alas 8 ang kitaan ay dumating ng sakto. (Take note mga kasamang YS). Nagkaroon pa si Jeng ng bagong carreer bilang myembro ng Sining Lila. At syempre ng bagong pangarap na maging National Chair ng GABRIELA tulad ng pangarap ng ibang mga GY.

Pero bago ang GABRIELA, at bago ang BAYAN, sa amin muna si Jeng, sa kilusang guro, sa CONTEND sa UP. Pero mabilis na flashback muna sa makabuluhan at makulay niyang buhay.

UP IS si Jeng, ka batch ni Ferdie Gaite. Nag SCM sa college, kabatch ni Fidel Nemenzo pero nagfulltime noong 17 years old. Kasi nahuli sa isang LR laban sa pagtaas ng presyo ng langis noong Agosto 1980. Kinulong ng dalawang buwan sa Bicutan kasama sina Satur Ocampo,si Fidel Agcaoili at Pepe Luneta, among others. Naluto nang mabilis, ika nga. Kaya nang lumaya, walang pag-alangang nagfull time. Nag-integ muna sa Cordillera ( hindi pa pumalo ang lihis noon kaya malinaw sa mga kabataang-estudyante ang direksyon ng laban) at nang bumalik ay naging full time staff ng mga kasama. Noon ko siya nakilala at doon ko rin nakita ang katangiang maging consistent sa kanyang buhay: ang pagtiyak na ang kanyang mga mahal sa buhay ay mayakap din ang kilusan. Nabitbit ni Jeng si Mommy, si Cynthia at sa isang antas, si Jojo sa pagtaguyod sa kilusan.

Makulay at masalimuot ang naging kasaysayan ni Jeng sa panahong ito, kabilang na ang pag-asawa kay Bing, pagkaroon ng Vencer at ng Bitoy.

Sa panahon ng lihis, nagbalik UP si Jeng dahil sa pagnanais na personal na maalalayan si Bitoy na pinanganak na special. Kumuha ng kursong edukasyon at nagtapos noong 1987 bilang magna cum laude. Syempre sinunggaban siya kaagad ng Educ at nagturo sa elem. Mahal si Teacher Jeng ng kanyang mga estudyante at inggit kami sa dami niyang regalo mula sa mga bata tuwing pasko.

Naugnayan si Jeng ng mga kasama sa CONTEND noong 1998 sa muling pinasisigla na kilusang guro sa Unibersidad. Kabahagi si Jeng sa pag-organisa at pagpapatakbo ng Kumperensyang Anti-Imperyalista noong Pebrero 1999 na gumunita sa 100 ng Digmang Pilipino-Amerikano. Aktibong kabahagi si Jeng sa film showing ng CONTEND, proyekto para makalikom ng pondo para sa mga kasamang full time. At syempre kabahagi sa mga mobilisasyon at pagkilos. Ang isa rito ay noong Mayo 1, 1999, ang martsa ng libong sulo mula Lawton hanggang Mendiola, kasama si Bing at si Vencer. Walang pag-alangan si Jeng na sumama sa pag-aaral na tumagal ng isang linggo sa panahon ng Christmas break. At nang lumipat na nga si Bitoy sa isang regular school, muli’y walang pag-alangang nagdesisyong magfull time muli si Jeng. Nagpaalam siya sa mga opisyal ng UPIS at tinangka pa siyang kumbinsihin na manatili sa pagtuturo habang nag-oorganisa. Pero nakadesisyon na si Jeng at sa ilang panahon, nag ACT at sandali lamang ay nagBAYAN. Nitong nakaraang dalawang taon, si Jeng, na laging nagtataguyod sa kilusang kababaihan ay napunta ng GABRIELA at ng Gabriela Party List.

Hindi nalugmok sa larangan si Jeng. Nagupo siya ng isang sakit na mabilis na nagpahina sa kanyang katawan pero never na nagpahina sa kanyang pagmamahal sa kilusan. Looking forward siya sa nakatakdang parangal sa kanya ng BAYAN sa Setyembre 10 at madama mo ang kanyang excitement sa mga kwento hinggil sa mga aktibidad ng kilusan sa panahon ng kanyang pagkakasakit.

Hindi nalugmok sa larangan si Jeng. Pero sa ating kilusan, sa kilusang mapagpalaya, hindi ang katangian ng iyong pagkamatay ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang katangian ng iyong buhay. At wala sinumang makapagkwestyon sa katangian ng buhay ni Kasamang Jeng: tunay na iskolar ng bayan, tunay na titser ng bayan, tunay na makabayang asawa’t, ina, kapatid at anak.

Mamimiss ka namin Jeng pero mananatili kang buhay sa patuloy na pagsulong ng kilusang mahigpit mong niyakap mula ng iyong kabataan.

Kasamang Jeng, Kasamang Lourdes Espiritu-Crisostomo, tunay kang bayani ng uring manggagawa at ng sambayanang Pilipino.

add your comments


IMC Network: www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq nigeria south africa canada: hamilton maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan manila qc europe: alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol bulgaria croatia cyprus estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege lille madrid malta marseille nantes netherlands nice norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france poland portugal romania russia scotland sverige switzerland thessaloniki toulouse ukraine united kingdom valencia west vlaanderen latin america: argentina bolivia brasil chiapas chile chile sur colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado danbury, ct dc hawaii houston hudson mohawk idaho ithaca kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma omaha philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca seattle tallahassee-red hills tampa bay tennessee urbana-champaign utah vermont virginia beach western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine ukraine process: discussion fbi/legal updates indymedia faq mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

© 2000-2004 QC Independent Media Centre. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the QC Independent Media Centre. Running sf-active v0.9 Disclaimer | Privacy