imc-qc qc indymedia
Home About Us Contact Us Links Calendar Publish

local collectives
The City
The Nation
The World

Themes
brown theme (default)black themered themetheme help



printable version - email this article

BRUTAL NA PAGPASLANG SA MILITANTENG LIDER KABABAIHAN KINONDENA NG GABRIELA
by GABRIELA Saturday, Aug. 28, 2004 at 3:33 PM
gab_pid@tri-isys.com 3712302 #35 Sct. Delgado St. Bgy. Laging Handa QC

Si Melita Trinidad Carvajal ay municipal coordinator ng Gabriela Women's Partylist sa Sta. Rosa Laguna at tagapagsalita ng mga maralitang taga-komunidad ng Sta. Rosa laban sa demolisyon. Siya ay pinaslang kahapon, Biyernes ng umaga sa mismong harapan ng kanyang bahay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin. Si Carvajal ay isa lamang sa mahigit kumulang 80 na biktima ng pagpaslang at paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon ng Timog Katagalugan.

NEWS RELEASE
28 August 2004

For Reference: EMMI DE JESUS, Secretary General (0917-3221203)
GABRIELA Public Information Department 3712302/3743451
BRUTAL NA PAGPASLANG SA MILITANTENG LIDER KABABAIHAN KINONDENA NG GABRIELA

Mariing kinondena ng militanteng grupo ng kababaihang GABRIELA ngayon ang ginawang pagpaslang kay Melita Trinidad Carvajal, municipal coordinator ng Gabriela Women’s Partylist (GWP) at kumandidatong konsehal sa bayan ng Sta. Rosa Laguna. Si Carvajal, 50 anyos, byuda, at may tatlong anak ay pinaslang kahapon ng umaga sa harapan mismo ng bahay nito sa Brgy. Dalig, Sta. Rosa. Siya ay binaril sa batok at dibdib ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin.

Bilang tagapagsalita ng Mamamayan Ng Sta.Rosa Para Sa Kagalingan, Kaunlaran, Kapayapaan Tungo sa Magandang Kinabukasan (MSRK3), si Carvajal ang siyang nagsilbing boses ng mga maralitang tagakomunidad sa nasabing bayan laban sa mga demolisyon. Naging aktibo rin ito sa kampanya laban sa korapsyon at anomalya sa local na pamahalaan.

“Si Mely ay isa lamang sa napakarami nang bilang ng mga lider kababaihan na pinaslang dahil lamang sa layunin nilang isulong ang kapakanan ng mamamayan. Kahit nakatanggap ito ng death threats dahil na rin sa aktibong paglaban nito sa demolisyon at anomalya sa Sta. Rosa ay hindi natakot na gampanan ang kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng mga maralita,” pahayag ni Emmi de Jesus, Secretary General ng GABRIELA.

“Nakakabahala ang mga sunod-sunod na pagpaslang sa mga local na lider, maging sa mga local na media na aktibong nagsasalita laban sa katiwalian at kabulastugan ng mga nasa local na pamahalaan. Hinahamon namin ang gobyernong Arroyo na magkaroon ng agarang paglutas sa mga kasong ito. Kung hindi mabibigyan ng agarang hustisya ang pagkamatay ni Mely, nangangahulugan lamang ito ng pagkunsinti ng pamahalaang Arroyo sa mga ganitong krimen upang takutin ang mamamayan na lumalaban para sa kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan,” ayon kay de Jesus.

“Kasaysayan na rin ang makapagpapatunay na kahit anumang dahas o pananakot ang gawin sa mamamayan, mas marami pa rin ang tumitindig upang labanan ang kaapihan at karahasang kanilang nararanasan. Sa kagyat, nananawagan ang GABRIELA para sa mabilis na paglutas sa kaso upang papanagutin ang berdugong kriminal at kung sino man ang nasa likod nito sa brutal na pagpaslang kay Mely.”###

add your comments


IMC Network: www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq nigeria south africa canada: hamilton maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan manila qc europe: alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol bulgaria croatia cyprus estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege lille madrid malta marseille nantes netherlands nice norway oost-vlaanderen paris/Īle-de-france poland portugal romania russia scotland sverige switzerland thessaloniki toulouse ukraine united kingdom valencia west vlaanderen latin america: argentina bolivia brasil chiapas chile chile sur colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado danbury, ct dc hawaii houston hudson mohawk idaho ithaca kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma omaha philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca seattle tallahassee-red hills tampa bay tennessee urbana-champaign utah vermont virginia beach western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine ukraine process: discussion fbi/legal updates indymedia faq mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

© 2000-2004 QC Independent Media Centre. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the QC Independent Media Centre. Running sf-active v0.9 Disclaimer | Privacy