imc-qc qc indymedia
Home About Us Contact Us Links Calendar Publish

local collectives
The City
The Nation
The World

Themes
brown theme (default)black themered themetheme help



printable version - email this article

Pahayag sa Pagpaslang kay Manalo
by Dennis Espada Friday, Aug. 06, 2004 at 10:27 AM
dsword_2002@yahoo.com 09192400373 Calamba City

May kagyat na pangangailangang magbuklod ang lahat ng mga propesyunal sa midya sa buong Timog Katagalugan para aktibong maipagtanggol ang kanilang hanay laban sa tumitinding intimidasyon, panunupil at karahasan.

PRESS STATEMENT
Agosto 6, 2004

Mariing kinukondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)-Laguna chapter ang brutal na pagpatay sa mamamahayag na si Arnel Manalo kahapon sa Bauan, Batangas.

Si Manalo ay correspondent ng dyaryong Bulgar at miyembro ng Operation Tulong ng DZRH (Manila Broadcasting Company). Mayroon din siyang kolum na pinamagatang "Pilantik ng Dila" sa Veritas, isang lokal na pahayagan. Kasapi rin siya ng Batangas News Writers Association.

Noong Hulyo 31, pinaslang ang brodkaster na si Roger Mariano ng DZJC sa Laoag, Ilocos Norte.

Sa loob lamang ng anim na araw, dalawang kasamahan natin sa midya ang pinatay nang walang kalaban-laban. Ang dumaraming bilang ng pamamaslang sa mga mamamahayag ay malinaw na isang malaking dagok sa press freedom.

Ikaapat na si Manalo sa bilang ng mga mamamahayag na pinatay ngayong 2004. Ika-54 naman siya sa mga pinaslang na Pilipinong mamamahayag mula noong 1986.

Nananawagan ang NUJP-Laguna sa mga awtoridad na imbestigahan ang kaso at kagyat na parusahan ang mga salarin.

Habang ipinagmamalaki ng gobyerno na may press freedom sa Pilipinas, ang mga taong seryosong nagtataguyod ng karapatan ng mamamayang malaman ang totoo ay binabaril at pinapatay.

Habang nabubuhay sa takot, kahirapan at katiwalian ang mga mamamahayag, mistulang isang ilusyon ang "press freedom."

Sa harap ng ganitong atake, may kagyat na pangangailangang magbuklod ang lahat ng mga propesyunal sa midya sa buong Timog Katagalugan para aktibong maipagtanggol ang kanilang hanay laban sa tumitinding intimidasyon, panunupil at karahasan. Dapat ding itaas ang kanilang antas ng propesyunalismo; pukawin ang sarili at ang sambayanan sa tunay nilang kalagayan sa lipunan. Nasa pagkakaisa natin ang lakas, nasa sama-samang pagkilos ang tagumpay.

Katarungan kay Arnel Manalo at sa lahat ng biktima!

Wakasan ang pamamaslang sa mga mamamahayag!


DENNIS ESPADA
Spokesperson,
National Union of Journalists of the Philippines-Laguna chapter

add your comments


IMC Network: www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq nigeria south africa canada: hamilton maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan manila qc europe: alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol bulgaria croatia cyprus estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege lille madrid malta marseille nantes netherlands nice norway oost-vlaanderen paris/Īle-de-france poland portugal romania russia scotland sverige switzerland thessaloniki toulouse ukraine united kingdom valencia west vlaanderen latin america: argentina bolivia brasil chiapas chile chile sur colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado danbury, ct dc hawaii houston hudson mohawk idaho ithaca kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma omaha philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca seattle tallahassee-red hills tampa bay tennessee urbana-champaign utah vermont virginia beach western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine ukraine process: discussion fbi/legal updates indymedia faq mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

© 2000-2004 QC Independent Media Centre. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the QC Independent Media Centre. Running sf-active v0.9 Disclaimer | Privacy